@page { size: 21.59cm 27.94cm; margin: 2cm } p { margin-bottom: 0.25cm; line-height: 115%; background: transparent }

TUGUEGARAO CITY-Naniniwala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na bahagi lamang ng kampanya ng Pangulo ang banta nito na suspindihin ang writ of habeas corpus at magdedeklara ng revolutionary war.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Egon Cayosa, incoming president ng IBP na posibleng ang tinutukoy ng Pangulo na revolutionary war ay ang revolutionary campaign kontra droga, kriminalidad at korapsyon.

Iginiit ni Atty. Cayosa na walang “revolutionary war” sa konstitusyon at walang basehan para suspendehin ng Pangulo ang “writ of habeas corpus” para maipatupad ang pag-aresto kahit walang warrant of arrest.

Gayonman, pinawi ni Atty. Cayosa ang pangamba ng publiko dahil maaari lamang suspendihin ng pangulo ang writ of habeas corpus kung may paglusob o rebelyon at kung may patnugot ng kongreso para sa kaligtasan ng publiko.

Ipinaliwanag pa ni Atty. Cayosa na ang habeas corpus ay ginagamit para dalhin sa korte ang hinuling tao upang malaman kung sang-ayon sa batas ang pag-aresto sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Depensa ni Atty. Cayosa na alam ng pangulo ang kanyang limitasyon sa konstitusyon at bilang commander in chief.

Samakatawid, frustrated lamang umano ang pangulo dahil sa kabiguang maresolba ang isyu sa droga, kriminalidad at korapsyon sa bansa.