Kinumpirma ni Senador Sherwin Gatchalian na nakatanggap siya ng impormasyon hinggil sa umano’y banta sa seguridad ng Senado.

Ayon kay Senador Gatchalian, ibinahagi ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag ang impormasyon sa isinagawang consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes.

Dahil dito, nakatakdang makipagpulong ang senador sa Senate Executive Committee at Office of the Senate Sergeant-at-Arms upang tiyakin ang mga kinakailangang hakbang para sa seguridad sa loob ng Senado.

Samantala, sinabi ni Senador Vicente Tito Sotto III na nakarating din sa kanya ang ulat at kasalukuyan nang pinag-aaralan ang karagdagang security measures.

Ayon kay Senador Sotto, nakadepende sa magiging rekomendasyon ng mga security personnel kung matutuloy o ipagpapaliban ang mga nakaiskedyul na pagdinig sa Senado.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, itinuturing na seryoso ang naturang banta batay sa impormasyong natanggap mula sa intelligence sources.