
Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ng Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga ang ordinansa na naguutos na ipatupad ang programang Bantay ASF sa mga barangay.
Ang ordinansa ay iniakda ni City Councilor Juan Tomas Duyan ng committee on agriculture na may layuning maiwasan ang pagdami ng mga kaso ng African Swine Fever sa mga alagang baboy sa lungsod.
Sinabi ni Duyan na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng ASF checkpoint sa entry at exit points ng lungsod, kasama ng bawat barangay.
Hakbang din ito upang matiyak na ligtas ang mga karne ng baboy na pumapasok sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay ipinatutupad ng city veterinary office ang tatlong buwan na operational plan upang masugpo ang ASF sa Tabuk City.
-- ADVERTISEMENT --




