TUGUEGARAO CITY- Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng bantay African Swine Fever sa mga Barangay.

Sinabi ni Narciso Edillo, executive director ng DA Region 2 na mas mabilis na matukoy kung may ASF sa isang lugar kung tutulong ang mga barangay officials sa pagtukoy sa mga sintomas ng nasabing virus sa mga baboy upang hindi na ito kumalat pa.

Ayon sa kanya, magkakaroon lamang ng training ang mga bubuo ng nasabing grupo at sila na rin ang magpaparating sa mga kinauukulan sa mga makikitang sakit ng mga baboy para sa agarang pagtugon.

Idinagdag pa ni Edillo na ang tanging magagawa pa lamang sa ngayon para pigilan ang pagkalat ng ASF habang wala pang nadidiskubreng gamot.

Tinig ni Narciso Edillo

Kaugnay nito, sinabi ni Edillo na nakikipag-ugnayan na sila sa Central Luzon State University para sa pagbili ng test kit na tutukoy kung may ASF o wala ang isang baboy.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, 60 na munisipalidad, 519 barangays, 7,015 na magsasaka ang naapektuhan ng second wave ng ASF sa Region 2.

Umaabot naman sa mahigit 42, 000 na mga baboy ang isinailalim sa culling.