TUGUEGARAO CITY-Target ng bantay bigas na makalikom ng milyong lagda para sa tuluyang pagbasura sa Rice Liberalization Law na umano’y labis na nakakaapekto sa mga magsasaka.
Sa naging panayam kay Cathy Estabillo ng bantay bigas, kanilang inilunsad ang opening salvo ng signature campaign sa lungsod ng Maynila, kahapon.
Ayon kay Estabillo, hindi titigil ang kanilang grupo sa pangangalap ng lagda para maipakita na madami ang tumututol at nagnanais na muling ma-review sa kongreso maging sa senado ang nasabing batas.
Samantala, sa darating na Oktubre 16, 2019 kasabay ng World Food Day ngunit tinawag ito ng grupo na World Food “less” Day dahil sa malawak na bilang ng mga magsasaka na nagugutom dahil sa epekto ng Rice Liberalization law ay ilulunsad ang nationwide signature campaign.
Bukod dito,sinabi ni Estabaillo na magsasagawa rin ng malawakang protesta ang kanilang grupo sa harap ng DA para kondenahin ang hindi pagbili ng ahensiya ng palay mga magsasaka.
Aniya, kailangang bilhin ng nasabing ahensiya ang mga aning palay ng mga magsasaka sa tamang halaga para hindi baratin ng mga traders at para hindi tuluyang malugi at malugmok sa utang ang mga magsasaka.