
Nanawagan ang grupong Bantay Bigas sa pagbuo ng isang Komite sa Senado na mag-iimbestiga sa panibagong expose ni dating Cong. Zaldy Co kaugnay sa pagkakasangkot ni First Lady Liza Araneta Marcos at kapatid nito sa rice at onion cartel.
Naniniwala si Cathy Estavillo ng Bantay Bigas na kontrolado ng Unang Ginang ang industriya ng bigas at sibuyas dahil biglang naihinto ang imbestigasyon nito sa Kamara para hindi maungkat ang relasyon niya sa mga smugglers at importers.
Bagamat may imbestigasyon ang Quinta Comm ng Kamara at maraming warehouses noon ang ni-raid at tone-toneladang agricultural products ang narekober subalit ni isa ay walang naipakulong o naparusahan ng administrasyon ni Marcos, Jr.
Giit ni Estavillo, kailangang panagutin ang first family dahil hindi lamang flood control ang pinagkakakitaan ng pamilya kundi maging sa importation ng mga agri-products na nagpapahirap sa mga magsasaka sa bansa.










