Tuguegarao City- Nanawagan si IBP President Atty. Domingo “Egon” Cayosa na dapat suriin at pag-aralang mabuti ang Bar System at mga paraan ng pagsasanay sa mga mag-aaral ng abugasya.
Ito ay kaugnay sa “percentage rate” ng mga bar passers kung saan ay pumapalo lamang aniya sa 20- 25% sa mga kumukuha ng bar ang pumapasa.
Ayon kay Atty. Cayosa, ang mga abogadong pinoy sa bansa ay kayang maging competitive kaya’t maganda rin aniya na magkaroon sila ng global perspective standars.
Sa kasalukuyan ay pumalo sa 27.36% lamang sa mga examinees ang pumasa sa bar exam.
Kaugnay nito ay binati niya ang mga mapalad na pumasa dahil sa kanilang husay at pagpupursigi upang makamit ang kanilang pangarap.
Samantala, muli namang hinikayat ni Atty. Cayosa ang lahat ng mga hindi pinalad na huwag tumigil sa pagtupad ng kanilang layunin at sa halip ay dapat magpatuloy dahil maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila.
Matatandaang kahapon (Abril 29) ay inilabas ng Supreme Court ang resulta ng 2019 Bar Exam kung saan ay 2,103 ang mga pinalad na pumasa mula sa kabuuang bilang na 7,685 examinees sa bansa.