TUGUEGARAO CITY-Huli ang isang Barangay captain dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa bayan ng Baggao, CAgayan.

Ayon kay Kate Littaua ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cagayan, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng illegal na droga ng suspek na si Arnold Alonzo,45-anyos na kasalukuyang kapitan ng Barangay San Isidro tatlong buwan na ang nakararaan.

Dahil dito, minanmanan ng mga otoridad ang suspek hanggang sa isinagawa ang operasyon sa mismong Barangay nito na sanhi ng kanyang pagkakahuli.

Nakuha sa kapitan ang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Ikinagulat naman ng mga ibang opisyal ng Barangay maging ang mga residente sa pagkahuli ng suspek at sa pagkakasangkot nito sa illegal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang kapitan na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at administratibo dahil isa siyang opisyal ng gobyerno.