TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Department of Health Region 2 sa mga bagong upong opisyal sa buong rehion na suportahan ang kanilang isinusulong na ordinansa na “Barangay kontra dengue”.
Sinabi ni Dr.Romulo Turingan ng DOH Region 2 na sa ilalim ng nasabing panukalang ordinansa, mapapatawan ng penalty ang isang bahay na makikitaan ng kiti-kiti.
Ayon sa kanya,una na niyang ipinakilala ito sa Isabela kung saan may ilan na ibinasura lamang ito habang may iba naman na nagpasa ng ordinansa.
Subalit, hindi umano naging matagumpay dahil sa kawalan ng political will ng mga nakaupong mga opisyal para ipatupad ang mga nakasaad sa ordinansa.
Iginiit ni Turingan na mahalaga na gumawa ng mga mahigpit na hakbang upang mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue na dala ng mga lamok.