Desididong magsampa ng kaso ang isang Barangay Kagawad na biktima ng pananaksak ng manliligaw ng kanyang anak sa bayan ng Sto Niño.

Kinilala ni PCAPT Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sto Niño ang biktima na si Andres Balagat, 54-anyos habang ang suspek ay si Jaylord Mercurio, kapwa residente sa Barangay Calassitan.

Sinabi ni Gabatin na nangyari ang insidente noong gabi ng September 8 habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay galing sa isang despidida party.

Sinunggaban at nagpang-buno ang dalawa hanggang sa sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang ulo at sa bahagi ng kanyang mga kamay na kaagad isinugod sa pagamutan.

Nabatid na nagsimula ang away dahil sa pagtutol ng biktima na ipa-asawa ang kanyang anak sa suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi agad na naipaalam sa pulisya ang insidente, kung kaya pinakawalan ang suspek matapos ang reglementary period nang boluntaryo itong sumuko, kinabukasan sa bayan ng Lasam.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong frustrated murder na isasampa laban sa suspek.