Patay ang isang barangay kapitan matapos na pagbabarilin sa Barangay Calipahan in Talavera, Nueva Ecija kaninang umaga.
Batay sa police report, sakay ng motorsiklo si Joel Damacio, 49-anyos at isang barangay tanod sa Maharlika Highway nang lapitan sila ng mga salarin at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima gamit ang caliber 9mm pistol kaninang 8:55 a.m.
Pagkatapos ng pamamaril, agad na tumakas ang mga salarin sakay ng puti ay asul na motorsiklo.
Agad na nagbigay ng flash alarm ang PNP Talavera sa mga kaukulang police units.
Kaugnay nito, sinabi ng Police Regional Office 3 na mayroon na silang natukoy na persons of interest sa nasabing pamamaril sa barangay kapitan.
Mariing kinondena naman ng pamahalaang lokal na Talavera ang nasabing pamamaril kay Damacio at nanawagan ng agad na paghuli sa mga salarin.