Iniimbestigahan ng pulisya ang mga posibleng motibo, kabilang ang pulitika sa pagbaril-patay sa barangay chairman sa Barangay San Isidro sa Laur, Nueva Ecija.

Sinabi ni Col. Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, sinisiyasat na ng mga imbestigador ang nasabing krimen para matukoy at mahuli ang salarin sa pagbaril-patay kay Barangay Chairman Cesar Asuncion.

Ayon kay Bruno, nagtamo ng apat na tama ng baril sa kanyang ulo si Asuncion.

Sinabi ni Bruno na inaalam na nila ang lahat ng mga posibleng magbibigay ng lead sa kaso at para mahuli ang suspek.

Umaapela naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Si Asuncion ang pangalawang barangay kapitan na pinatay sa Nueva Ecija buhat noong May 12, 2025 midterm elections.

Ang una ay si Joel Damacio, kapitan ng Barangay Calipahan sa bayan ng Talavera, na pinagbabaril-patay noong buwan ng Hunyo.