Binigyang-diin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kahalagahan ng responsibilidad at tungkulin ng mga barangay para matuldukan ang korapsyon lalo na sa mga proyektong pang-imprasktraktura.

Sa kanyang pagdalo sa Liga ng mga Barangay Congress sa World Trade Center sa Pasay ay hiniling ni Dy sa mga opisyal ng barangay na alamin ang mga proyekto o programa ng Department of Public Works and Highways sa bawat distrito.

Ayon kay Dy, malaki ang papel ng mga barangay para mabantayan ang implementasyon ng mga proyekto ng DPWH sa kanilang nasasakupan upang matiyak na standard ang mga ito at hindi nalulustay ang pera ng taumbayan.

Paliwanag ni Dy, ang pagpasa sa pambansang budget ay panimulang hakbang lang at kasunod nito ang mahigpit na pagbabantay sa mga proyekto ng gobyerno sa bawat komunidad na nilaanan ng pondo.