Hinikayat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na ilabas ang mga pangalan ng mga legitimate POGOs na binigyan ng lisensiya at accreditation ng regulatory agency.

Hiniling din ni Barbers kayTengco na makipag cooperate sa Kongreso at isapubliko ang lahat ng mga POGOs na nag-ooperate ng walang lisensiya.

Ginawa ni Barbers ang panawagan kasunod ng pahayag ni Tengco na isang dating cabinet member na nagla lobby at ginamit ang kaniyang impluwensiya para sa pagbibigay ng lisensiya sa mga POGO nuong panahon ng nakaraang administrasyon.

Binigyang-diin ni Barbers, na ang POGO,legitimate man o iligal ay nagsisilbing fronts ng mga criminal activities mula sa money laundering, drug trafficking, human trafficking, pag protekta sa criminal syndicates na sangkot sa patayan, kidnapping, torture, rape at maging sa tinatawag na POGO politics.

Tinawag ni Barbers ang POGO na one stop shop ng mga criminal activities.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala din Barbers na nagkakaroon ng twist kung saan ibat ibang nationalities mula sa Asean countries ang nagtutungo sa bansa gaya ng Vietnamese, Malaysians at Indonesians na siyang papalit sa mfq Chinese workers sa mga POGOs.