Na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensiya ng Chinese research vessel sa karagatan ng Cagayan, na nagbunsod para hamunin nila ang presensiya ng nasabing barko na nasa exclusive economic zone ng bansa.

Sa social media post, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Jay Tarriela (CVR) Chinese Research Vessel (CVR) Tan Suo Er Hao ay nakita sa nasa 19 nautical miles sa baybayin ng Cagayan.

Dahil dito, ipinag-utos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang deployment ng PCG Islander aircraft kahapon ng umaga para magsagawa ng Maritime Domain Awareness (MDA) flight para hamunin ang presensiya ng nasabing barko.

Ayon sa PCG, layunin din ng operasyon na magsagawa ng beripikasyon kung ang barko ay nagsasagawa ng marine scientific research na walang clearance mula sa ating pamahalaan.

Sinabi ni Tarriela na ang ginawa ng barko ng China ay isang potensyal na paglabag sa Philippine Maritime Zones Act at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

-- ADVERTISEMENT --

Nakita ang Chinese vessel sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection technology ng China.

Sa MDA flight, nakita ng PCG aircraft ang Tan Suo ER na patungong eastward 55.78 nautical miles silangan ng Santa Ana, Cagayan.

Batay sa datos, umalis ang barko mula sa Hainan province sa China noong unang bahagi ng buwan at naglayag sa kanlurang bahagi ng Philippine EEZ.

Inilarawan ng PCG ang Tan Suo Er Hao na isang 87.25-meter advanced deep-sea scientific research vessel na ino-operate ng Institute of Deep-sea Science and Engineering sa ilalim ng Chinese Academy of Sciences.

Ayon sa PCG, dinisenyo ito para magsilbing mothership para sa manned at unmanned dee-sea summersibles at para suportahan ang malawak na deep-sea operations.

Subalit iginiit ng Chinese Embassy sa Manila na ang nasabing barko ay nagsasagawa ng “normal navigatan” dahil sa hini kinilala ng Beijing ang Philippine Maritime Zones Act.