TUGUEGARAO CITY- Nasa maayos na kalagayan ang 12 na sakay ng isang barko na sumadsad sa baybayin ng Gonzaga, Cagayan.
Sinabi ni Seaman First Class Webster Columna ng Philippine Coast Guard Substation sa Santa Ana na pawang mga taga-Cebu ang sakay ng barko na nagsasagawa umano ng offshore mining sa Gonzaga.
Ayon kay Columna, nakadaong ang barko sa Isla ng Palaui subalit dahil sa lakas ng mga alon ay naputol ang angkla nito.
Dahil dito, pinaandar ng mga sakay ang barko subalit nasira ang steering haydraulic nito na dahilan para tangayin ito ng malalakas na alon hanggang sa baybayin ng Brgy. Cabiraoan sa Gonzaga.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, sinabi ni Columna na pitong barko ang stranded ngayon sa Sta. Ana.