Pinatalsik ng House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil sa disorderly conduct, dahilan upang siya ang kauna-unahang mambabatas na natanggal sa Kamara nang walang kasong kriminal o pagpapatalsik mula sa party-list.

Ayon sa Kamara, kabilang sa mga naging paglabag ni Barzaga ang pagbibintang ng korapsyon laban sa mga kapwa mambabatas at negosyanteng si Enrique Razon nang walang sapat na ebidensiya, pangungutya sa mga miyembro ng Kamara sa social media, pag-akusa sa ilang mambabatas na may kaugnayan sa pagkamatay ng isang lokal na opisyal, at mga aksyong nakagambala sa plenary sessions.

Si Barzaga ang ikatlong mambabatas na napatalsik sa Kamara mula nang maibalik ang Kongreso sa ilalim ng 1987 Constitution.