Sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution, ang impeachment ay isang ligal na proseso para tanggalin ang isang mataas na opisyal dahil sa serious offenses.

Sa Article XI, Section 2 ng Constitution, ang mga sumusunod na opisyal ang maaaring ma-impeach:

President
Vice President
Members of the Supreme Court
Members of Constitutional Commissions (such as the Commission on Elections)
Ombudsman

Ang mga batayan para sa impeachment ay kinabibilangan ng sadyang paglabag ng Konstitusyon, pagtataksil, panunuhol, graft and corruption, pagtataksil sa tiwala ng taumbayan, at iba pang malalaking krimen.

Ang impeachment process para sa Vice President, ay nakasaad sa Section 3, Article XI ng 1987 Constitution, kung saan may sinusunod na mga hakbang.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsisimula ito sa paghahain ng beripikadong reklamo at nagtatapos sa paglilitis sa Senado.

Nagsisimula ito sa inisyatiba sa Kamara o ng isang mamamayan na may endorsement ng miyembro ng House.

Dapat na malinaw ang mga rason para sa impeachment.

Sa sandaling maihain na, ipapasa sa House Committee on Justice ang reklamo.

Magsasagawa naman ng assessment ang komite kung balido ang reklamo, at kung makita na may merito, magkakaroon ng mga pagdinig at iimbestigahan ang mga alegasyon.

Pagkatapos ng imbestigasyon, kailangan na magsumite ang komite ng report sa House sa loob ng 60 session days, na kinabibilangan ng resolution.

Kung aaprubahan ng Kamara ang articles of impeachment, uusad ang kaso sa Senado, na magsisilbing impeachment court.

Sa ilalim ng Section 3(7), ang Senado ang tanging may kapangyarihan na usigin at magpapasiya sa lahat ng kaso ng impeachment.

Kailangan ang two-thirds majority ng lahat ng senador para mahatulan at matanggal ang bise presidente, ibig sabin 16 sa 24 na senador ang dapat na boboto pabor sa impeachment.

Kung mahahatulan, matatanggal sa puwesto ang bise presidente, iiral ang Section 9 ng Article VII ng Cionstitution.

Pinagkakalooban sa nasabing section ang presidente ng otoridad na mag-nominate ng bagong bise presidente, na kailangan na may pagpapatibay mula sa Kamara at Senado.

Noong 2001, itinalaga ni Gloria Macapagal Arroyo si noon ay Senate Minority Leader Teofisto Guingona Jr. bilang kanyang bise presidente matapos ang kanyang pag-upo bilang pangulo, kasunod ng pagpapatalsik kay Joseph Estrada.