Walang pasok sa mga paaralan sa Tuguegarao City na gagamiting billeting area at venue ng mga contested events para sa 2020 National Schools Press Conference na magsisimula sa Lunes, March 9 hanggang March 13.

Batay sa EO 15 na inisyu ni Mayor Jefferson Soriano, suspendido ang pasok sa elementarya at sekondarya sa public at private schools sa March 9 hanggang 13 habang sa tertiary at graduate school sa public at private schools ay walang pasok mula March 9 hanggang 11.

Layon din nitong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita sa lungsod bilang host ng 2020 NSPC.

Tinatayang aabot sa pitong libong student journalists kasama ang kanilang mga coach mula sa iba’t-ibang rehiyon sa buong bansa ang dadalo sa naturang kompetisyon.

Matatandaan na unang itinakda ang NSPC sa Tuguegarao City at National Festival of Talents (NFOT) sa Ilagan City, Isabela na gaganapin sana noong Pebrero 17 hanggang 23 subalit pansamantalang ipinagpaliban dahil sa banta ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --