Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng voting guide para sa mga botante para sa local at national elections.

Basahing mabuti ang balota dahil dito nakalagay kung ilan ang iboboto sa bawat posisyon.

Narito ang mga posisyon sa national at local elections at ang bilang ng mga iboboto sa bawat posisyon.

National:

12 senators
1 party-list

-- ADVERTISEMENT --

Local:

1 member, House of Representatives
1 provincial governor
1 provincial vice-governor
Sangguniang panlalawigan (nakalagay sa balota kung ilan ang dapat na iboto)
1 mayor
1 vice mayor
Sangguniang panlungsod o bayan (nakalagay sa balota kung ilan ang dapat na iboto)

Narito ang step-by-step sa mga botante:

Ang regular voting hours ay mula 7:00 A.M. hanggang 7:00 P.M.

Ilalaan naman ang early voting hours (5:00 A.M. – 7:00 A.M.) para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens, at mga buntis.

Papayagang bumoto ang kasama nilang assistants kung pareho ang precinct na kinabibilangan.

Guide sa pagboto:

Lapitan ang electoral board at sabihin ang pangalan, precinct number, at sequence number.

Hahanapin ng electoral board ang iyong pangalan sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL).

Titiyakin nitong walang indelible ink ang iyong daliri, indikasyong hindi ka pa nakakaboto.

Beberipikahin ng electoral board ang iyong identity at papipirmahin ka sa EDCVL.
Kunin ang malinis na balota mula sa electoral board chair.

Ilagay ang balota sa ibibigay na secrecy folder, kasama ang marking pen.
Pumunta sa upuan sa voting area at simulan ang pagboto.

Tiyaking naka-shade nang maayos ang bilog sa unahan ng pangalan ng kandidatong iboboto.

Huwag mag-overvote o bumoto nang higit sa nakalagay sa balota.

Magiging sanhi kasi ito para ma-forfeit ang iyong balota.

Matapos bumoto, ipasok ang balota sa automated counting machine.

Hintaying lumabas ang resibo at i-check ang ballot image sa screen.

I-review ang iyong voter’s receipt, at ihulog ito sa designated automated box.

Ibalik ang folder at marking pen sa electoral board.

Para sa karagdagang election-related information, maaaring bumisita sa Comelec website at sa verified social media accounts ng ahensya.

Paalala: Dati nang gumawa ng listahan ng mga iboboto bago pumunta sa iyong presinto para mabilis na makaboto lalo na sa first time voters