Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Batanes, Cagayan, kaninang umaga.
Naitala ang lindol sa 29 kilometers Southeast ng Basco alas 10:59 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na labing tatlong kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Basco, Uyugan, Sabtang, Ivana, Mahatao habang Intensity III sa Itbayat.