TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Ecowaste Coalition sa kongreso na ratipikahan na ang Basel Ban Amendment upang may pananggalang laban sa mga bansa na nagtatapon ng basura sa Pilipinas.
Sinabi ni Aileen Lucero sa amendment ay magdadagdag ng mahalagang probisyon sa Basel Convention na nagbabawal sa mga developed countries na mag-export ng mga mapanganib na basura sa mga developing nations.
Reaksion ito ni Lucero sa mga bagong nadiskubreng mga basura mula sa Australia,Hongkong at South Korea.
Ang Basel Convention ay isang international treaty na binuo upang mabawasan ang galaw ng mga hazardous waste sa pagitan ng mga nasyon at upang mapigilan ang paglipat ng mga basura mula sa mga mayayamang bansa sa mga umuunlad na bansa.