Itinalaga ng Department of the Interior and Local Government si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang Acting Mayor ng lungsod, kasunod ng temporary legal incapacity ni Mayor-elect Rodrigo Roa Duterte.

Batay sa Section 46(a) ng Local Government Code, awtomatikong papalit ang Bise Alkalde sa tungkulin ng alkalde sa ganitong sitwasyon.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang hakbang ay upang maiwasan ang pagkaantala sa operasyon ng pamahalaan.

Samantala, itinalaga rin si Rodrigo Duterte II, ang 1st ranked Sangguniang Panlungsod member, bilang Acting Vice Mayor, alinsunod sa Administrative Order No. 15, s. 2018.

Tiniyak ng DILG na legal at nararapat ang mga hakbang na ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo at pamumuno sa lungsod habang nahaharap si FPRRD sa mga usaping legal sa International Criminal Court.

-- ADVERTISEMENT --