Patay ang isang batang babae matapos na mahulog at malunod sa balon sa Brgy. Capagaran, Allacapan, Cagayan.

Sinabi ni PCAPT Antonio Palattao, hepe ng PNP Allacapan na agad silang nagsagawa ng follow-up investigation sa nangyari sa limang taong gulang na babae na si Jillianne Guzman matapos na ipagbigay alam sa kanila ng municipal doctor na may dinala sa ospital na dead on arrival.

Ayon kay Palattao, na agad na nagtungo sa balon ang lola ng biktima kasama ang dalawa pa niyang apo na sabihin sa kanya na nakita nilang lumulutang sa balon ang bata.

Agad umano na dinala ang bata sa Municipal Health Office subalit idineklarang dead on arrival.

Sinabi ni Palattao na wala umanong harang ang balon kung saan nahulog ang bata.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na wala umano sa kanilang bahay ang mga magulang ng bata ng mangyari ang insidente.

Samantala, sinabi ni Palattao na isinailalim na sa inquest proceeding kanina ang driver ng isang trailer truck na nasangkot sa vehicular accident na ikinasawi ng isang motorista kagabi.

Sinabi ni Palattao na reckless imprudence resulting to homicide at damage to property ang inihaing kaso laban sa driver.

Bago ang insidente, nagmamaneobra ang truck sa Brgy. Matucay nang bumangga ang motorsiklo ng biktima na si Michael Antonio ng Solana.

Sinabi ni Palattao, mabilis umano ang patakbo ng driver ng motorsiklo batay sa salaysay ng mga saksi sa nasabing aksidente.

Ayon kay Palattao, galing ang biktima sa kanyang kamag-anak sa Aparri at pauwi na sana sa Allacapan kung saan siya nagtatrabaho.