BATANES

TUGUEGARAO CITY-Balik Modified General Community Quarantine (MGCQ) na ang probinsya ng Batanes mula sa Modified Enhanced Community Quarantine matapos makarekober mula sa coronavirus disease 2019 (covid-19) ang dalawang nilang resident na unang kaso ng virus sa isla.

Ayon kay Governor Marilou Cayco ng Batanes, ipapatupad ang MGCQ sa Batanes simula bukas, Oktubre 14,2020 sa oras na 12:00 ng hating gabi.

Kaugnay nito, sinabi ni Cayco na bubuksan na ang establishimento, papayagan na ang mga mass gatherings ngunit 50 percent capacity lamang at maaari na ring pumasok ang mga manggagawa na may edad 18 pataas maging ang mga senior citizens sa kanilang mga trabaho.

Maging ang angkas sa motorsiklo ay papayagan na rin ngunit kailangan ay may suot na face mask at helmet bilang pag-iingat sa virus.

Sa kabila nang pagluwag ng mga restrictions, sinabi ni Cayco na patuloy ang kanilang pagbabantay lalong lalo na sa mga ipinatutupad na health protocols para maiwasan na magkaroon muli ng kaso ng covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa maayos at malusog na kondisyon na ang dalawa at sa katunayan ay pinauwi na rin sa kanilang mga tahanan ngayong araw kung saan ipagpapatuloy umano ng isang pasyente ang kanyang quarantine sa kanilang bukirin at ang isa ay nakatakdang bibyahe sa Itbayat.

Matatandaan, Setyembre 29,2020 nang isailalim sa MECQ ang isla matapos maitala ang kauna-unang kaso ng virus na isang Locally stranded individual (LSI).

Tinig ni Governor Marilou Cayco

Samantala, sinabi ni Cayco na nasa 75 LSI’s pa na dumating sa Batanes nitong Oktubre 10 lulan ng Philippine Airline ang kasalukuyang minomonitor sa quarantine facility.

Nanawagan naman ang Gobernador na magkaroon ng special flight ang mga airline companies para makauwi ang kanilang ibang kababayan maging ang 12 Overseas Filipino Workers (OFW’s) na naabutan ng MECQ dito sa lungsod ng Tuguegarao.