TUGUEGARAO CITY- Magsasampa umano ng kaso si Bishop Danilo Ulep ng Batanes sa National Bureau of Investigation laban sa isang John Blake Navarro na gumagamit sa kanyang pangalan sa Faceboook para mangalap ng financial assistance para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat.

Sinabi ni Ulep na hindi nila kilala ang nasabing tao at wala rin silang binigyan ng otorisasyon para mangalap ng tulong pinansiyal para sa simbahan.

Dahil dito, pinapayuhan ni Ulep ang mga gumagamit ng social media na huwag maniwala sa nasabing tao.

Ayon sa kanya, nang makita niya ang nasabing FB account ay agad siyang naglagay ng disclaimer upang walang maloko ang nasabing tao.

Ayon sa kanya, mayroon silang official bank account na maaaring ideposito ang tulong na gagamitin para sa long term rehabilitation sa Itbayat.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya ang pangalan ng kanilang bank account sa Land Bank- Basco, Batanes branch ay Prelature of Batanes at ang account number ay 1081050208.

ang tinig ni Bishop Ulep

Kaugnay nito, sinabi ni Ulep na hanggang ngayon ay takot pa rin ang mga mamamamayan ng Itbayat na bumalik sa kanilang mga tahahan dahil sa mga aftershocks.

muli si Bishop Ulep