TUGUEGARAO CITY- Apektado ngayon ang rehabilitation efforts na ginagawa sa lalawigan ng Batanes dahil sa community transmission ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling datos, umakyat sa 121 ang kabuuan ng active cases ng COVID 19 sa lugar matapos maiulat ang 100 panibagong kaso.

Dahil dito ay agad na isinailalim ang naturang probinsya sa Enhanced Community Quarantine upang malimitahan ang galaw ng publiko.

Sa kabuuan ay sumampa na sa 135 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa batanes kung saan 17 dito ang recovered.

-- ADVERTISEMENT --

Pinakamarami sa bilang ng active cases ay mula sa Basco na may 94, sampu sa Uyugan, tig-anim sa Mahatao at Itbayat, apat sa Sabtang at isa sa Ivana.