Napanatili ng lalawigan ng Batanes ang injury-free sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Batanes Board Member Milagros Abas na iniulat ng Batanes General Hospital at Batanes PNP na walang nadisgrasya ng paputok sa lalawigan sa nakalipas na holiday season.

Ito ay bunga aniya ng mga programa at aktibidad para sa pamilya na isinasagawa sa pagsalubong sa Bagong Taon sa bawat Barangay gaya ng sayaw.

Nakagawian din sa probinsya ang pagpapaingay sa natural na paraan tulad ng pagggamit ng mga lumang takip ng kaldero na hinihila sa lansangan ng motorsiklo at malakas na patugtog sa mga bahay pagsapit ng alas dose ng Bagong Taon.