PHILVOCS

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang lalawigan ng Batanes kung saan ang episentro ay nasa layong 59 kilometers Southwest ng Sabtang, Linggo ng gabi.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ganap na 7:16 ng gabi yumanig na may lalim na 28 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang aftershocks at wala ring nasaktan o napaulat na nasirang ari-arian sa naganap na pagyanig.