TUGUEGARAO CITY- Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Itbayat, Batanes, alas 03:10 kaninang madaling araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa 31 kilometers NorthEast ng Itbayat.

May lalim itong 184 kilometro at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol pero nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng makaranas ng aftershocks.