Nabuo na bilang tropical depression ang low pressure area na tinawag na Salome.

Ang sentro ni Salome ay namataan sa 255 km North Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 70 km/h.

Kumikilos ito pa-south southwestward sa bilis na 15 km/h.

Nakataas na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is.), at ang northwestern portion ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City).

-- ADVERTISEMENT --

Hindi inaalis ang posibilidad na maabot ni Salome ang tropical storm category, at ang wors case scenario ay Wind Signal No. 2.

Sa ngayon ay mayroon nang gale warning sa seaboard ng Extreme Northern Luzon.

Ibinabala ang hanggang 4 meters na taas ng alon sa seaboards ng Babuyan Islands, at hanggang 3.5 meters ng Ilocos Norte at Ilocos Sur; ang northern seaboard ng mainland Cagayan; at western seaboards ng Pangasinan.

Tinatayang kikilos si Salome ng southwestward sa panahon ng forecast period.

Batay sa forecast track, posibleng dadaan o mag-landfall si Salome sa Batanes mamayang gabi at sa Babuyan Islands bukas ng umaga, at patungo ito sa Ilocos Norte ng hapon.

Inaasahan lalabas sa Philippine Area of Responsibility si Salome sa Biyernes ng hapon o gabi.