Patuloy ang paglakas ng bagyog Leon habang lalo itong lumalapit sa Batanes.

Huling namataan ang mata ng super typhoon Leon sa 100 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.

May dala itong lakas ng hangin na 195 kph malapit sa gitna at pagbugso na 240 kph.

Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 5 sa northern at eastern portions of Batanes (Itbayat, Basco)habang signao no. 4 naman sa iba pang bahagi ng lalawigan.

Signal no. 3 naman sa northern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)

-- ADVERTISEMENT --

Signal no. 2 sa iba pang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan), Apayao, and Ilocos Norte

Signal no. 1 ang ibang bahagi ng Isabela Quirino, northern at central portions ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Dupax del Norte, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Santa Fe, Kasibu, Aritao, Bambang, Diadi, Dupax del Sur, Quezon, Solano), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, and the northern and central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Dilasag).

Asahan sa mga nasabing mga lugar ang malalakas na hangin at ulan na posibleng magdudulot ng banta sa buhay at ari-arian.