TUGUEGARAO CITY-Makakaranas umano ng pinakamahabang araw ang Batanes sa buong bansa ngayong araw dahil sa summer solstice.
Sinabi ni Engr. Romy Ganal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa 13 hours and 20 minutes ang liwanag ngayon sa Batanes.
Sampung minuto lang ang lamang ng Batanes sa Tuguegarao City na makakaranas naman ng 13 hrs.and 10 minutes.
Dahil dito, sinabi ni Ganal na asahan ang mas maalinsangan at mas mataas na temperatura sa Tuguegarao City kung saan ang 36 to 47 °C ang temperatura habang ang init factor naman ay 40 to 44°C.
Ang summer solstice ay ang panahon kung saan naaabot ng araw ang greatest declination nito na +23.5 degrees at ito ay tanda ng southward movement ng araw sa ecliptic.
Samantala, sinabi ni Ganal na wala umanong tsansang mag-landfall ang namataang low pressure na tatawaging “Dodong” kung papasok sa northern section ng Luzon bukas.
Dahil dito, sinabi niya na hindi maaapektuhan ng inaasahang sama ng panahon ang Cagayan at Batanes.