Ipinasakamay ng pulisya sa City Social Welfare and Development sa Las Piñas ang isang batang babae na nakita sa social media na may hawak na kutsilyo habang namamalimos sa Alabang-Zapote Road at Diego Cera Avenue.

Ayon kay PCol. Sandro Jay Tafalla, hepe ng pulisya ng Las Piñas, sinagip nila ang bata at ipinasakamay sa CSWD.

Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang ina ng bata ay isa umanong drug dependent, kaya hindi niya naaalagaan ang anak.

Dadaan muna sa masusing pagsusuri ng mga social worker ng lokal na pamahalaan ang bata bago ito mailipat sa tirahan ng DSWD.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, magpapatupad ng curfew at magdadagdag ng presensiya ng pulisya sa nasabing lugar.