Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang PNP Pudtol sa lalawigan ng Apayao sa pagkamatay ng isang 4 anyos na babae.

Sinabi ni PCAPT Thomas Bayan Cayomba Jr., OIC ng PNP Pudtol na natagpuan ang labi ng bata sa isang hindi pa nagagamit na septic tank sa Barangay Matagisi.

Ayon sa kanya, batay sa pagsusuri sa bata, may senyales na siya ay minolestiya at may mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinabi ni Cayomba na unang iniulat ng mga magulang na nawawala ang kanilang anak noong araw ng Linggo.

Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga pulis at mga kamag-anak ng bata sa paghahanap hanggang sa makita ang labi nito sa septic tank na naaagnas na.

-- ADVERTISEMENT --

Huling nakita ang bata na naglalaro sa harapan ng tindahan ng kanyang lola.