Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos malunod sa isang creek sa Barangay Caritan Norte, Tuguegarao City.
Ang biktima ay isang 12-anyos at residente ng Brgy Pengue.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Head Roderick Ramirez, aksidenteng nahulog ang bata sa malalim na bahagi ng tubig.
Sinasabing naglalaro ito kasama ang mga kaibigan at pinsan nang mapunta ito sa bahagi ng nakabukas na gate ng flood control at nadulas sa hagdanan ng creek.
Sinabi ni Ramirez na may sumubok na sagipin ang bata subalit hindi kinaya ang lalim ng tubig na lampas tao kung saan maputik pa ang malalim na bahagi nito.
-- ADVERTISEMENT --
Nang mahanap ng mga rescuer ay agad itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.