Patay ang isang tatlong taong gulang na babae at ang kanyang kapatid na isang taong gulang na lalaki nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Manga, Tagbilaran City, Bohol kagabi.

Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng apoy sa bahay habang natutulong ang dalawang bata.

Sa kabila ng pagsisikap ng kanilang ama na iligtas sila, naabutan pa rin sila ng apoy.

Apat silang nakatira sa nasabing bahay na gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Hindi pa mabatid ang dahilan ng sunog dahil sa natutulog umano ang ama at ang kanyang mga anak sa loob ng bahay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PNP Tagbilaran City Police Station, nakulong ang dalawang bata sa loob ng bahay dahil may nakaharang sa pintuan.

Nagtamo ng matinding sunog sa katawan ang ama na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon sa ospital

Nabatid na ang ina ay nasa labas ng Bohol.