Pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magbibigay ng P10, 000 na annual allowance para sa mga pampublikong guro simula sa susunod taon.
Ito ay upang makatulong sa mga guro na bumubili ng kanilang sariling teaching supplies.
Ang panukalang “Kabalikat sa Pagtuturo (Support for Teaching) Act,” ay nagtatadaka ng P10, 000 na allowance mula sa P5, 000.
Aakuin ng Department of Education at ang dagdag na halaga ay isasama sa annual budget ng pamahalaan.
Matatandaan na niratipikahan ng bicameral conference committee noong March 14.
Kaugnay nito, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro, isa sa principal auhtors ng panukalang batas na ang nasabing halaga ay malaking tulong sa mga pampublikong guro sa kanilang gastusin sa teaching supplies na mula sa kanilang bulsa.