Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 7368, na nagdedeklara sa Nobyembre 30 bilang “Jesus Reigns National Day of Worship.”

Naipasa ito sa botong 213 pabor, walang kontra, at tatlong abstention.

Ito ay inakda nina Sarangani Rep. Steven Chiongbian Solon at Rizal Rep. Emigdio Tanjuatco III.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, layunin ng batas na kilalanin ang debosyon ng mga Pilipino, 90% ng populasyon ay Kristiyano at Katoliko, at maglaan ng espesyal na araw para sa pananampalataya at panalangin para sa pagbabago ng bansa.

Nagsimula ang selebrasyon sa Cebu sa ilalim ng “Jesus Reigns” movement at magkakabisa ang batas 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o pangunahing pahayagan.

-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t kasabay ng Bonifacio Day ang Nobyembre 30, ito ay magiging dedikadong araw ng pagsamba sa buong bansa.