
Nanawagan ang National Coordinating Center Against OSAEC and CSAEM (NCC-OSAEC-CSAEM) ng batas na mag-uutos sa online platforms at financial sector na maglagay ng safeguards para protektahan ang mga bata laban sa online sexual abuse.
Ayon kay OIC-executive director Barbara Mae Flores, kabilang sa mga panukala ang age verification upang pigilan ang mga batang below 12 na makagawa ng account sa platforms na para sa edad 13 pataas.
Plano rin ng ahensya na turuan ang mga guro at magulang kung paano tukuyin ang red flags at tugunan ang mga kaso ng pang-aabuso.
Ang NCC-OSAEC-CSAEM ay naglunsad noong Disyembre ng Philippine Strategic Action Plan laban sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata.




