
Pumanaw na si Val Kilmer na higit na nakilala sa kanyang role sa “Batman Forever” sa edad na 65.
Batay sa pahayag ng kanyang anak na si Mercedes, namatay si Kilmer dahil sa pnuemonia sa Los Angeles, California.
Matatandaan na na-diagnose na may throat cancer ang Hollywood actor noong 2014 at naka-recover, ayon sa kanyang anak.
Bukod sa kanyang role na si Bruce Wayne sa “Batman Forever” noong 1995, nakilala si Kilmer sa kanyang character sa 1991 biopic na “The Doors.”.
Huli siyang nagpakita sa cinema noong 2022 sa “Top Gun: Maverick,” subalit hindi na siya makapagsalita dahil sa kanyang cancer.
Naging leading man din si Kilmer sa maraming pelikula at may volatile reputation noong 80’s at 90’s, kung saan naging bida siya sa “Top Gun,” “Real Genius,” “Willow,” “Heat,” at “The Saint.”
Noong 2021, inilabas ang documentary ng kanyang buhay na “Val.”
Ang kanyang anak na lalaki ang boses sa likod ng nasabing documentary, kung saa ipinakita dito si Kilmer bilang isang introspectice thinker na may artist’s soul.