Lumitaw na mga noodles at bato sa halipm na shabu na nagkakahalaga ng P68 million ang bitbit ng mga suspek sa madugong buy-bust operation sa Quezon City noong November 18, 2025, ayon sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Sinabi ni PDEG acting director Police Brigadier General Elmer Ragay, ang intensiyon ng mga suspek ay onsehin ang kanilang ka-transaksyon.

Unang iniulat ng mga awtoridad na 10 kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon ang nakumpiska sa operasyon na nakalagay sa kahon.

Ayon sa PDEG, planong onsehin ng apat na suspek ang katransaksyon nila na mga undercover cop na nauwi sa engkuwentro.

Tatlo sa mga suspek ang nasawi, kasama ang pinaniniwalaang lider ng grupo na si Alias Dan.

-- ADVERTISEMENT --

Isa naman ang nakatakas at patuloy na hinahanap.

Inaalam din ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawing suspek, na pinaniniwalaan na sangkot din sa isang crime group.

Nasugatan naman sa naturang operasyon ang isang miyembro ng PDEG at isang informant.