
Humiling ng temporary restraining order (TRO) ang kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa laban sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC), kasunod ng insidente ng putukan sa Senado nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa mga abogado ng senador, inihain nila sa Korte Suprema ang isang “very urgent manifestation” na naglalahad ng mga umano’y insidente sa loob at paligid ng Senado, kabilang ang pagputok ng baril at iba pang pangyayari.
Giit ng kampo ni dela Rosa, walang legal na batayan ang anumang hakbang na maglalagay sa panganib sa mga institusyon ng gobyerno, at dapat ay sumunod sa proseso ng batas ang anumang arrest warrant.
Kasabay nito, iginiit din nila na ang Senado ay isang institusyon ng Konstitusyon at hindi dapat gawing “battlefield.”
Nananawagan din ang kampo na ang anumang aksyon laban sa senador ay dapat dumaan sa tamang proseso at judicial review.









