Inalmahan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Senador Ronald “Bato” dela Rosa dahil nilaro lamang nito ang imbestigasyon sa mga missing sabungero kung saan dawit ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Remulla, simula noong 2022 nang maupo siyang kalihim ng Department of Justice (DOJ) ay trinabaho na niya ang isyu ng mga missing sabungero.

Aniya, sumawsaw din umano ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa pamumuno ni Sen. Dela Rosa, pero ginulo lamang ng komite ang imbestigasyon sa isyu ng mga missing sabungero.

Dalawang korte na ang naglabas ng arrest warrant kay Ang dahil sa kasong kidnapping with homicide kaugnay ng mga nawawalang sabungero.