Muling inihain ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong Miyerkules sa ika-20 Kongreso ang panukalang batas na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan para sa mga malalaking sangkot sa ilegal na droga.

Ang nasabing panukala, na unang isinulong ng senador noong 2019, ang nangunguna sa kanyang sampung pangunahing legislative priorities para sa bagong Kongreso.

Bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, si Dela Rosa ang naging pangunahing tagapagpatupad ng war on drugs.

Kabilang din sa mga prayoridad na panukala ni Dela Rosa ay ang ROTC Act, amyenda sa Party-list System Act, End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Act, at Anti-Drug Abuse Council Act.