
Tiniyak ng Malacañang na mababayaran ang personal na pera na inilabas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong bahagi pa siya ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos sabihin ni Magalong na nasa ₱30,000 ang inilabas niyang pera habang nasa ICI pa siya.
Ayon kay Castro, nakahanda na ang ₱41 milyon na pondo ng ICI kaya anumang dapat bayaran ay agad na aayusin.
Giit ni Castro, hindi nagkulang ang pangulo at ibinigay ang lahat ng suporta na kailangan ng komisyon.
Samantala, sinabi naman ng Palasyo na hindi lulusawin at mananatili ang ICI, sa kabila ng pagbibitiw ng ilang miyembro na naunang itinalaga ni PBBM.
-- ADVERTISEMENT --










