Nakatakdang palawakin ng buguey sa international market ang kanilang bentahan sa crab o alimango kasunod ng matagumpay na eksibit ng mga kilalang mangrove crab nito sa Hong Kong Food Expo Pro 2024.

Sinabi ni Mayor Licerio Antiporda ng buguey na ang paglahok ng munisipalidad sa expo ay nagbukas ng mga bagong pinto upang ipakita ang kanilang mayamang aquatic resources sa Hong Kong based company na nagpahayag ng interes sa pag-import ng mga alimango.

ayon kay antiporda na ang interes na ito mula sa isang internasyonal na kumpanya ay isang patunay sa pambihirang kalidad ng mga local crabs at nagtatampok sa potensyal ng Buguey sa pandaigdigang merkado.

Dagdag niya na isa itong opurtunidad para lalo pang magpapatibay ang reputasyon ng Buguey bilang key player ng seafood industry sa rehiyon

Matatandaan na ipinatayo sa bayan ng buguey ang unang state-of-the-art mangrove crab hatchery sa North Luzon, isang pasilidad na inaasahang magpapalago sa produksyon ng mga premium na alimango para sa export market.

-- ADVERTISEMENT --

Idineklara rin ng department of agriculture ang bayan ng Buguey bilang “Crab Capital of North Luzon dahil sa dami ng masasarap na alimango na nanggagaling sa nasabing munisipalidad