Nakatanggap ang bayan ng lal-lo at sta. ana ng mobile energy system mula sa United States Agency for International Development o usaid.

Isinagawa ang turn over ceremony sa mga nabanggit na disaster response equipment sa multi-purpose hall ng bayan ng lal-lo na pinangunahan nina ryan washburn, usaid mission director to the Philippines and Mongolia at energy asst. secretary mario Marasigan

Ang Mobile Energy System ay isang portable back up solar power energy na idinisenyo upang mapabuti ang pag-access sa supply ng kuryente sa mga malalayong komunidad at tiyakin ang supply nito sa panahon ng kalamidad at cyber threat sa mga power utilities.

Ang bawat unit ng Moble Energy System ay nilagyan ng 50 kwh battery storage na may kakayahang paganahin ang mga mahahalagang devices gaya ng dalawang set ng telebisyon, dalawang air-conditioning unit, 10 bombilya, dalawang desktop computer, dalawang laptop, limang charger ng telepono, limang electric fan, at isang internet modem.

Ayon kay washburn na ito ay joint project ng estados Unidos at department of energy para matiyak ang maayos na pagresponde sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo, baha at iba pang mga uri ng kalamidad kahit na mawalan ng supply ng koryente

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ni asec mario Marasigan ng doe na malaking tulong ang proyektong ito sa energy resiliency effort ng pamahalaan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Marasigan na itinututing na basic needs ang energy at communication sa tuwing mayroong kalamidad at kung minsan ay hindi agad naibabalik ang supply ng koryente kaya mainam na mayroong alternative source of energy na magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mga typhoon victims.

Dagdag pa niya na makakatulong din ito sa pagiging disaster resilience ng mga Pilipino.

Sinabi ni Marasigan na apat na mobile energy system na ang naka-deploy sa buong bansa kung saan ang dalawa ay ginagamit sa disaster operation center ng doe at dalawa ay ang ipinagkaloob sa bayan ng sta ana at lal-lo na siyang pinakaunang local government units na nakatanggap ng ganitong proyekto sa buong pilipinas.

Ayon kay washburn na target nilang magdeploy ng sampung mobile enrgy systems sa buong bansa.

Napag-alaman na nagkakahalaga ng 100,000 us dollars o katumbas ng mahigit limang milyong piso ang bawat unit ng mobile energy system
Labis naman ang pasasalamat nina lal-lo mayor Florante pascual at sta ana mayor nelson robinion sa tulong na ipinagkaloob ng estados Unidos.

Binigyang diin ng mission director ng usaid na napili ang bayan ng lal-lo at sta ana na nabigyan ng naturang equipment dahil sa palaging tinatamaan ng kalamidad gaya ng bagyo.