Kinoronahan bilang Miss World Philippines 2024 ang beauty queen mula sa Baguio City sa seremonya na isinagawa sa Mall of Asia sa Pasay City.

Nangibabaw ang kagandahan at talino ni Krishnah Gravidez sa 32 iba pang kandidata.

Minana ni Gravidez ang titulo mula kay Gwendolyne Fournoil na iprinoklama na Miss World Philippines sa national pageant dalawang taon na ang nakalilipas.

Si Gravidez ang unang reyna na nagsuot ng “Rays of Hope” crown mula sa China Jewelry.

Dumalo sa pageant si reigning Miss World World Krystyne Pyszkova na lumipad pa mula Czech Republic para saksihan ang national competition at sinaksihan ang coronation ng bagong reyna na magmamana sa kanyang international title sa global contest.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha naman ni Dia Mate ng Cavite ang Reina Hispanoamericana Filipinas habang Miss Philippine Tourism naman ang titulo ni Patricia Bianca Tapia ng Batangas City.

Isa pang korona ang idinagdag sa pageant, ang Face of Beauty International Philippines title na ibinigay kay Jeanne Isabelle Bilasano ng Bicol.

Inanunsiyo din ang bagong titulo, ang Miss Multinational Philippines at ang award ay nakuha ni Nikhisa Buenafe ng Pangasinan.

Nakuha ni Jasmine Urquico Omay mula Tarlac na First Princess, habang Second Princess naman si Sophia Bianca Santos mula Pampanga.

Magiging kinatawan ng bansa si Gravidez sa 72nd Miss World pageant at sisikapin na na ikalawang Filipino na makakakuha ng korona, kasunod ni Megan Young na nanalo noong 2013.