TUGUEGARAO CITY- Hindi na makakasali pa 2nd edition ng Miss Universe Philippines ang pambato ng probinsya ng Cagayan na si Gi Asuncion matapos maospital dahil sa COVID-19.

Sa pahayag ni Maxie Umoso, handler ng Cagayana beauty queen, ito ang napagdesisyunan ng Miss Universe

Philippines Organization bilang konsiderasyon na rin sa mabilis na paggaling ng kandidata.

Aniya, matinding stress ang pagdadaanan ng mga kandidata bilang bahagi ng paghahanda sa aktibidad at

bagamat nakakalungkot ay kailangan ikonsidera din ang kalusugan nito upang magpagaling.

-- ADVERTISEMENT --

Pinasalamatan ni Umoso ang lahat ng mga tagasuporta ni Asuncion at nangako ito na muling ipagpapatuloy

ng kandidata ang pag-apak nito sa stage sa susunod na taon.

Maalalang si Miss Universe Cagayan Candidate Gi Asunsion ay nakapasok sa Top 50 matapos ang kanilang

runway at casting challenge.